Feelings | Thoughts | Stories | iQuotes | Life | Etc. This is a sideblog.

14-anyos nasermunan ng nanay, nagbigti

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 14-anyos na binatilyo matapos magbigti, gamit ang sari­ling sintu­ron matapos umanong masermunan ng ina at mapagsabihan ng kuya dahil sa pagloloko sa pag-aaral sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PO3 Rodel Benitez ang nasawi na si Mar Vincent Verde, 1st year high school.

Nadiskubre ni Tere­sita Verde, ina ng biktima, ang nakabitin na katawan ng anak sa loob ng kanilang banyo, sa Sales St., Quiapo, dakong alas-10:00 ng gabi ilang minuto ma­tapos umano itong pagalitan.

Nag-ugat ang pane­nermon sa biktima nang magsumbong ang adviser nito sa kanyang ina hinggil sa pagka-cutting classes na ginagawa nito kasama ang mga kaibigan.

Binalaan umano ng ina ang biktima na pahihintuin sa pag-aaral kung hindi magpopokus at ipada­dala na lamang sa pro­binsiya, gayundin ang ginawang pagpayo ng nakatatandang kapatid nito na si Michael.

Matapos na pagsabihan, may luha pa umano ang mga mata ng biktima na tumayo at mabilis na nagtungo sa kanilang banyo na hindi umano inakalang magbibigti ito.

Isinugod pa sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktima kung saan ito idineklarang dead-on- arrival.

- Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) Updated August 17, 2012 12:00 AM

Habang nagnenet, narinig ko ‘to sa balita. Napatigil talaga ako. Marami na naman akong naririnig at nalalaman na cases ng suicide pero bawat kwentong nalalaman ko, naaawa talaga ako. It’s not a question of what they feel, it’s how painful they’ve been to.

Nakakaawa, kasi personally, I can say I’ve been to that feeling, sorrow maybe. You know that feeling of being so helpless. Wala kang masabihan, wala ka talaganga mahingan ng tulong. Depress, ‘yung bang sabay-sabay ang dating ng mga mabibigat na problema, parang wala nang katapusan, ‘di mo na malaman ‘yung gagawin, ganun. Hindi lang basta dahil lang sa lovelife, self inflicted. Ibang usapan.

It might not be unhealthy to one’s mind but it’s a cause of depression. Ganun lang siguro talaga. Ang mahalaga, malabanan ‘yung thought of committing suicide. Ako, ang ginagawa ko, kahit sobrang lugmok ko, iniisip ko ‘yung mga taong maiiwan ko. Sobrang drama man pakinggan but it helps. Maraming taong nagmamahal sa’ekn, and I won’t leave them just because I can’t solve my problem regardless of how it weigh and how it counts. Lahat ng problema may solusyon. Iniisip ko din na strong ako. Strong hindi dahil kaya kong kitilin ang sarili kong buhay, kundi dahil kaya kong lampasan kung ano mang pinagdadaanan ko nang hindi dumadaan sa pagkikitil.

Sana maisip ng lahat na sobrang maganda ang buhay para sirain lang natin. And if you just try to talk to God heart to heart, I guarantee, you will be relieve :) Kahit ano namang problema eh, mababaw man o malalim, God is just at your side :)

Let’s pray for all the people who took their lives. As well as those who are now suffering from it. Help through prayers.

(Source: ishtep)



theme by heartgrenade | powered by tumblr