Feelings | Thoughts | Stories | iQuotes | Life | Etc. This is a sideblog.

Update update din.

Leche! Nung ‘di ako nakakapagtumblr and all parang ok lang naman. ‘Tas ngayon naiinis na ako. Una, ayoko nang may ibang naglolog in sa ginagamit kong browser. Usually kasi naka-remember me ‘yung password ko. Inis. Lalo na ‘pag dito sa tumblr. Hay nako. Feeling ko nasilipan ‘tong blog ko eh. Basta. Pangalawa, marami lang akong namisss, a lot of Paramore’s. Haaay :/

Nagpapakabusy kasi ako sa binabasa ko. In another day I think, tapos ko na ‘to. Mga tatlong araw din ako naggugol ng panahon dito. I’ll post about it ‘pag natapos ko na. Pero hindi lang naman talaga ang dahilan kung bakit ‘di na ko nakakapag-update lately eh. May isang book pa pala akong binasa nang isang araw lang. ‘Wag Lang Di Makaraos ni Eros Atalia. Pahiram lang saken ng barkada ko, napagkekwentuhan kasi namin. Try ko ding gumawa ng post kung kayanin. Hehe, ayun lang for books. Since we moved here, inconsistent na talaga pagloload ko ng broadband kasi mahirap ang signal. Panay ang mga gala, panay din ang dating ng masamang panahon. Marami mang holiday at mga araw na walang pasok, marami din naman school works para nga makahabol. Bukas nga may midterm pa eh. Still catching up.

So there, just made this update para naman ‘di tuluyang anayin ‘tong blog ko. Haha. Kawawa naman. On weekends, o kahit bukas, hahataw ako ng online. Hope to finish Hornet Flight by tomorrow :) Already in my 24th chapter out of 33, kayang kaya :) Keber sa midterm bukas sa Socio. Chicken lang ‘yun. Haha.

'Yun lang anu ho? :D Bawi bawi din ako. Woo :D Sige na. I have to continue reading 'til the 25th chapter while these old songs are sucked in into my ears. My Dad's style ;D Good night blogistas :)

(Source: ishtep)



theme by heartgrenade | powered by tumblr